Maria Aragon, aawit ng 'Way Back Home' theme song

Stars Came To Hail Bromance
Celebs were all praises for Zanjoe and for Bromance “My...
Click here for more
Bea Alonzo Gives Her All Out Support for Zanjoe Marudo
The actress was all praises for the actor’s portrayal...
Click here for more
The Press Gets a Quick Dose of Bromance
Direk Wenn was candid in admitting that it wasn't all...
Click here for more

Kasama ang kanyang pamilya, pumirma na ang 11-year-old YouTube sensation na si Maria Aragon ng kanyang unang record deal sa ilalim ng Star Records.

Sa pambihirang pagkakataon, aawit ng Tagalog song ang Fil-Canadian singer sa concert ni Yeng Constantino.
Rebelasyon din ngayon ang pagpili kay Maria para sa bagong rendition ng “You're My Home” ni Lea Salonga para sa Star Cinema movie nina Katherine Bernardo at Julia Montes na “Way Back Home.”

“It is a really big opportunity and I feel so blessed,” pahayag ni Aragon.

Labis naman ang kasiyahan ng ina ni Maria na si Menchie Aragon dahil sa katuparan ng mga pangarap ng anak.

Ani niya, “Proud na proud ako kay Maria dahil hindi namin ito ine-expect na mangyayari. Sana may susunod pa.”
  
Ikinatutuwa rin ni Mommy Menchie na naging daan ang record deal ni Maria para makabisita silang pamilya sa Pilipinas. Balak nilang umuwi sa Ormoc para makilala ni Maria sa unang pagkakataon ang kanyang lola at ibang kaanak.

ABS-CBNnews.com

July 22, 2011

 
ABS-CBN.comABS-CBNNews.comTFCNowGet AmpedStar RecordsMultiplyFacebookTwitter