John Lloyd Cruz denies involvement in Shaina Magdayao-John Prats breakup

Sam Milby continues to improve his Tagalog
Sam Milby is just one of the many celebrities who have...
Click here for more
Anne Curtis confesses she felt awkward shooting Babe I Love You with Sam Milby
The good thing about Anne Curtis and Sam Milby
Click here for more
Sam Milby says he isn’t closing his doors to a reconciliation with Anne Curtis
Despite their bitter break up, Sam Milby and Anne...
Click here for more

Na-interview ng The Buzz sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo noong Sabado (February 6) bago tumulak papuntang Malaysia kung saan nila isu-shoot ang ilang bahagi ng kanilang upcoming movie na Miss You Like Crazy. Sinagot din ng aktor ang isyu ng kanyang pagkakadawit sa hiwalayang Shaina Magdayao at John Prats. Nauugnay kasi si John Lloyd kay Shaina at diumano’y isa sa mga dahilan kung bakit naghiwalay ang aktres at si John Prats.

 

“Ang kailangan siguro natin ngayon is respeto siguro (dun) sa naging relasyon nila. Hindi lang kasi fair sa kanilang dalawa kasi kung anong naging problema nila as a couple, kailangan nating hayaan ‘yon sa kanila kasi kanila ‘yon, eh. Hindi natin pwedeng panghimasukin ‘yan,” pahayag ni Lloydy.

 

 

“Ako naman on my end, ang alam ko lang as far as I know and as far as I am concerned, talagang wala tayong kinalaman and my being friends—gaya ng sinasabi ko—my being friends with Shaina now has nothing to do with their break up. Alam ni Shaina ‘yon, alam ni John ‘yon. Huwag na sanang i-push pa ‘yung issue,” pakiusap ng aktor.

 

Batay kasi sa mga lumalabas na bali-balita naging shoulder-to-cry-on ni Shaina si Lloydy nang mag-break sila ng actor-boyfriend. Inamin ni Shaina noong nakaraang buwan na hiwalay na nga sila ni John noong 2009 pa pero ayaw niya magdetalye sa kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

 

Samantala, sa February 24 na ipalalabas ang Miss You Like Crazy na reunion movie nina Bea at Lloydy after three years. Pinakaaabangan lalo na ng kanilang mga fans ang nasabing pelikula ng love team na for a time ay nabuwag upang maitambal ang dalawa sa iba pang artista.

 

Sobrang tuwa naman nina Lloydy at Bea sa kanilang muling pagsasama at inaming na-miss nila ang isa’t isa. Sinabi ni Bea na mas masarap katrabaho ngayon si Lloydy dahil lalo pang humusay ito sa pag-arte. Open naman ang dalawa sa pagsasabi na sa kabila ng kanilang matinding chemistry on screen ay hanggang magkaibigan lang sila. “Hindi pa siya nangyayari at hindi namin kayo ididisilusyon,” ani Lloydy. “Mas masarap ‘yung pakiramdam na nangyayari lang na sumusunod lang kayo sa flow,” ayon naman kay Bea.

 

Sinabi ng aktres na hindi raw sila ma-text sa isa’t isa subalit hindi raw naman ito kailangan. Wika nga ni Lloydy ay one-of-a-kind ang kanilang relasyon. “Kahit na hindi kayo magkita nang matagal ‘pag magkasama kayo ulit, andun pa rin (ang closeness on and off screen).”

 

ABS-CBN.com - Bernie Franco

 
ABS-CBN.comABS-CBNNews.comTFCNowGet AmpedStar RecordsMultiplyFacebookTwitter